Thursday, July 14, 2011

sa pagpapatuloy...

CHAPTER 3
Hindi maiwasan ni Vangie ang antukin sa klase, actually lahat naman silang magkaklase puyat na puyat. Pinaglamayan kasi nila ang project sa isang subject, kaya ganoon na lang ang mga mata nila. Wala nga siyang eye bugs pero talagang antok na antok na siya. Humihilik na ang lalaking nasa kanan niya, at hindi niya maiwasang pumikit at maiinggit. Kaya naman noong yumuko siya at ipinikit ang mga mata ay talagang tulog na siya.
Nag-aalala naman ang katabi niyang si Ayel sa stature ng mga kasama nila, samantalang si Kathleen tuwang tuwa pang nakikitawa kay Wilmer habang pinagmamasdan ang isang kaklase na naglalaway na sa pagkakatulog ng mahimbing.
“Kadiri.” Sabi ni Kathleen
“UGH! Yuck!” sabi ni Wilmer at saka biglang kinilabutan.
“Mga loko loko kayo!” sabi ni Yneza.
“Oy! Si Bon humihilik na rin! Ang lakas! Parang baka!” pagrereport ni Kathleen.
“Oy! Huwag nga kayong ganyan, gisingin muna natin si Vahn. Philosophy na kaya ang susunod dito.”sabi ni Ayel. “Lagot tayo kay Sir Tesuka Tsuki-... Wait! Parehas sila ng apelyido ni Zyx niya?!”
“Tsukimori? Oo nga ano? Tsukimori…”
“Ngayon ko lang din narealize iyon ah! Tsukimori…”
“Magtatay kaya sila?” tanong ni Ayel.
“Baka naman kuya ni Zyx si Sir!” Nicoli suggested.
“Hindi ah! Sa tandang iyon ni sir,” At iyong sinabi pa man ding iyon ni kathleen ang narinig ng beloved Philosophy teacher nila.
“Ano iyon Ms. Javier?”
“Wala naman sir… we we’re just wondering po kung kaano ano niyo ang kaibigan namin. Parehas kasi kayo ng apelyido sir e. Kaya sabi ko po, masyado na po yata kayong matanda para maging kapatid niya. Baka nga siguro po anak niyo iyong kambal na sina Zyx at Zero.”
“Zyx?!” pagkarinig no’n ay napabangon bigla si Vangie.
“AH! Dreaming Ms. Bautista? I hope you’re ready for the recap?”
“Prayer muna sir.” Sabi niya, biglang nabuhayan ang dugo.
She had the strangest dream so far. Siya pinag-aagawan ng kambal na Tsukimori. Anyway, panaginip lang naman iyon, ligtas na ligtas ka Vahn, malabong magkagusto iyong dalawa sa kanya. Kumbinsido siyang mas maraming magagandang babae sa mundo. Kahit kailan, hindi niya nakita ang potensiyal ng kagandahan niya. Simple, pero kakaiba ang kagandahan niya. Sabagay, talaga namang naiiba siya sa lahat.
“Matanong lang kita sir ha, bakit ang mga kasabihang sinasabi ng mga antipatikong pinag-aaralan natin puro tungkol sa nature, kung hindi iyon, science, life and the way of the living. Wala ba silang nabanggit man lang tungkol sa love?”
Her classmates stared at her in horror, pero ang mga kaibigan niya, amazed lang na tiningnan siya.
At iyon for the first time, buong oras na nagdiscuss ang teacher nila, walang graded recitation o surprise quizzes na naganap sa huli o gitna ng period nila.
“Dapat pala lagi mo siyang hinihiritan ng ganoon para mapilitan siyang mag-explain.” Sabi ni Ayel sa kanya. “ang galing mo rin tol!”
“Shh… kailangan ko lang talaga ng clue tungkol sa love ngayon. Philosophy naman ito e, at siguradong maraming alam ang mga lumang tao tungkol sa mga bagay na ganito. Dito sila magaling, at isa pa… paraan na rin ito para mapatunayan kung tama nga ang sinasabi nila na history repeats itself.”
“Ay! Me ganun?”
“Sige, ituloy mo lang iyang pangangarap na history repeats itself kung di lang din naman kayo mauwi ni Zyx sa dramahang Romeo and Juliet o di naman kaya’y Macbeth!” sabi ni kathleen na nasa likod nila noong mga panahong iyon.
“Now class, can you consider the phrase ‘Love your enemies as you love yourself’, as stated by Jesus, a Philosophy?” tanong niya bigla.
“yes!” si kathleen lang na naman ang sumagot.
“Why?”
“As stated by Mcmillan dictionary sir, philosophy is a calm or rational attitude. And as far as I’m concerned Jesus is a kind and loving man, and the phrase that He stated is very rational indeed. It is with truths and principles of being, knowledge and conduct. That’s all I’m saying.”
“I must agree.” Sabi ni Vahn “The statement itself is a doctrine,  and it comprises of principles for guidance in practical affairs, just like Philosophy itself”
“With those statements that were given, can we say that Jesus is also a philosopher?”
“Yes. Not a scientific one though. He is a religious philosopher. But still, a philosopher is a philosopher.”
“Exactly. Next meeting we will tackle about the different categories of Philosophers.” Sabi nito saka nag erase ng board. Iba rin kasi ang tungo ng direksiyon ng philosophy, napupunta sa theology, sa science, sa math at sa kung ano ano pang dako ng mundo. “Let’s just wait for the bell.”
Nagpaalam sina Yneza na lalabas lang saglit. Pagbalik nila, hindi na sila nakatiis and broke the news in front of the teacher. “Nasa labas siya tol!” sabi ni Ayel.
“Nasa labas? Sino?” tanong niya sa mga ito.
“Sino pa nga ba? Edi si Zyx mismo. Naghihintay siya sa labas!” sabi ni Yneza.
“OW?!”
“Huwag kang masyadong umasa na ikaw ang hinihintay niya, malay mo si Sir pala. At keep in mind, ‘Just expect the unexpected’. Mahirap umasa at mabigo, sinasabi ko na.”
“Kathleen talaga… ang nega!” sabi ni Ayel.
Sumasang-ayon siya sa sinabi ng kaibigan, alam niya ang pinagdaanan ni Kathleen sa pag-ibig, pero hindi pa rin niya maiwasang matuwa na nandito sa teritoryo ng SABM ang isang estudyante ng SEA, para ano? Makita siya? Pangarap! She crossed her fingers tightly at nanalangin na sana siya nga ang hinihintay ni Zyx sa labas, kahit alam niyang medyo may kalabuan ang kahibangan niyang iyon. Isang buong linggo na rin siyang laging may load dahil text ng text si Zyx at kinakailangan niya itong replayan at sa kahulihulihan ubos na ang pera niya. She sighed.
“You’re dismissed.” Sabi ng teacher nila. Unahan sa paglabas ang anim niyang kaibigan. Kimi lang siyang sumunod sa mga ito.
“uy Vahn.” Siya nga talaga ang hinihintay nito. “May time ka ba?”
Sinenyasan siya ng mga kaibigan na mauuna na sila sa pila ng jeep.
“Vahnnn….”
“Ano?”
“Free ka ba ngayon?” tanong nito uli.
“Ahemmm.” Napatingin siya. Teacher pa man din niya iyon sa philosophy, akala niya kung sinong kaklase na na nang-aasar. Pero sabagay… cute naman talaga si Sir philosophy.
“Haay.. ang kulit din no’n ah.” Nasabi ni Zyx. “Sabi na ngang huwag umeksena e.”
“kilala mo si Sir?”
“Vahn… tatay ko siya.”
“T-ta-tatay?! Tatay mo si Sir Philo?” sabi nito na parang hindi makapaniwala.
“oo e. pasensiya ka na lang ha? He really does that when he sees me with a girl.” Paliwanag ng binata. Pero hindi niya kailangan ng kahit anong klase ng paliwanag. Sapat nang malaman nito na mag ama sila. Ang dalawang main problem niya, mag-ama?! Hindi niya iyon kayang paniwalaan. “Ano? Free ka ba ngayon?”
“Hindi e. may tatapusin pa kami ng mag kaibigan ko.” Palusot niya. “Sorry tol ha?”
“Sige ok lang. Next time na lang siguro.”
Siya ang nang-iwan rito. Patakbo siyang pumunta sa kinaroroonan ng mga kaibigan. Humahangos siya nang makarating sa pwesto ng mga ito. “Anong nangyari?” tanong ni Nikkie.
“wala. Tatay lang naman ni Zyx si Sir Philo, iyon lang naman.” Pahayag nito.
“Sabi na nga ba e.” sabay na sabi nina Ayel at Kathleen.
“So kung tatay niya si Sir at kung saka sakaling magkatuluyan kayo ni Zyx sa hinaharap… ano na ang itatawag mo kay sir?”
“Father Tesuka?” she suggested. Sakto pang dumaan ang teacher nilang iyon. Lagot ka na namang Vangie ka. “narinig kaya niya iyong sinabi ko?”
“Maaari… lahi sila ng mga malalakas ang pandinig di ba?”
“Sir, joke lang iyon! I super swear.”
Chapter 4
Kapag minamalas ka sa simula ng araw, mamalasin ka na buong maghapon. At ganoon ang nangyayari kay Vahn. Noong una nadulas siya, pangalawa ay natapilok, saka niya namalayan na may period pala siya ngayon at maghapong sumakit ang kanyang puson. Saka pa siya nakita ni Father Tesuka sa hallway at tinanong kung pwede siya nitong makausap. Doon sila sa gilid ng isang pinto. Nanalangin siya na sana ay hindi ito tungkol sa mga sinabi niya kahapon sa pilahan ng jeep.
“Anak…”
‘Anak? Baka nga tungkol ito sa pagtawag ko sa  kanya ng Father Tesuka’ napapikit na siya. Ready to receive the teacher’s wrath.
“May kilala ka bang Alyssa?”
“Meron po Sir.”
“Nag-aaway kasi iyong kambal na anak ko dahil sa babaeng iyon.” Sabi ng teacher.
“Si Zyx at Zero? Seryoso ka sir?”
“Oo. Hindi nga ako sanay.”
“At pinag-aawayan nila si Alyssa? Bongga bells!”
“Tingin ko hindi ganoon. Pero medyo medyo siguro. Ayaw kausapin ni Zyx si Zero, hindi siya umiimik. Gusto ko sanang humingi ng pabor sa iyo anak, kung pwede lang sana kausapin mo si Zyx. Ikaw lang kasi ang kakilala kong kaibigan niya. Sana mapagbati mo ang mga anak mo.”
“I’ll try sir.”

“parang sobrang bigat naman ng hininging pabor ni Father Tesuka sa’yo at ganyan ang hitsura ng pagmumukha mo” sabi ni ayel sa kaibigan.
“E kasi naman ‘te. Isipin mo naman, hindi naman kami ganoon ka close ni Zyx tapos makikisawsaw pa ako sa love life nila ni Alyssa. Kilala ko naman iyong babae. Mabait kaya iyon. Kaya oks lang.”
“martyr oh!”
“hoy! Kapag mahal mo, ipaglaban mo!”
“ganito na lang, ifeel mo na lang muna ang pagiging anak ni Sir.”
“ha?”
“anak kaya ang tawag sa kanya ni father Tesuka.”
“weh?!”
“tanggap ka niya?”
“tumigil nga kayo! Kita niyong may pinagdaraanan e! ganito na lang Vahn, kausapin mo si Zyx.”
“tapos?”
“bahala na basta kausapin mo siya.”
“huwag na lang kaya? Ano naman ang sasabihin ko? Hayaan mo na sila ni Assyla, magkantahan na lang tayo.”
“ i need you is all that i can say,
But deep inside of me, i know i’ll want you more each day.
But time won’t let me have the chance, so i’ve got to see you even at a glance”
“anong title niyan?”
“give me a chance.”
“iGM ko nga.”
“huwag! Baka maging team song pa nila,”
“bahala nga kayo.”
“i know, it’s hard for you to see, exactly how much you mean to me
Since its just a one way street, and i’m the only one who’s on it
No one knows the way, but me.
I love you can’t you hear me? O cant you please see through me.
Oh babe i need your love so badly, its no lie so please believe me.
In my heart you’ll see the real me, you just gotta give me a chance.”


“date ba ito?” naibulong niya sa sarili. Daydreaming ang eksena ng loka.
“ano?” tanong ni Zyx, na ang totoo ay narinig naman talaga ang ibinulong ng babae.
“wala. Sabi ko may problema ba?” sumimangot ang katabi niya.
“meron, malala.”
“ano?”
“huwag mong sasabihin kahit kanino ha?”
“promise!”
“ganito kasi iyon... nagtapat ako kay Zero na mayroon nga akong gustong babae, pero hindi ko sinabi iyong pangalan sa kanya. Nakulitan lang ako kaya binigyan ko siay ng clue kung sino iyon...”
“anong clue?”
“ang sabi ko, kaklase namin siya noong high school, maganda, lalo na ang katawan. Mahilig sa anime at nangongolekta din siya ng mga Otaku mag at mahilig din siya sa mga korean drama na may sense...”
“si Assyla.”
“hindi siya. Ang alam lang ni Zero, si Assy iyong tinutukoy ko. Pero maniwala ka hindi siya iyon. Ang mokong kong kapatid, nagpanggap na ako at niligawan si Assy nang hindi ko alam. Nagulat na lang ako isang araw, girlfriend ko na pala si Assyla.”
“shocks”
“ngayon, hindi ko alam kung paano mag eexplain sa sambayanan!”
“umpisahan mo sa tatay mo.” Iyon ang friendliest advice na naibigay niya. “alam lang ni father Tesuka na may pinagdaraanan ka.”
“anong tawag mo kay papa? Father Tesuka?”
“kalimutan mong narinig mo iyon sa akin ha? Basta, umpisahan mo sa kanya ang explanation... advice ang susunod, magaling naman ang tatay mo e. geh. Good luck sa’yo.”
“vangie... i’ll text you”
“was akong load.”
“basta, i’ll text you" ito na nga kaya ang simula?

No comments:

Post a Comment