Wednesday, August 17, 2011

Ending Episode: WAS KO BET

CHAPTER 5


“tulala ka.” Nasambit ng kapatid ni Vangie na si Vanessa. Kanina pa kasi nasa terrace ang kapatid niya, malayo ang tingin, panay ang ikot sa telepono. “masisira iyan.”

“ate, paano kung totoong may fairy tale, ano kayang klaseng character ako. Basta kahit ano. Pero maganda kapag iyong lalakeng makakatuluyan ko e may pagka Ryoma, Len-“
Nabatukan siya nito. “Mabuhay ka sa realidad.”

“napaka kontrabida mo.”

"nagsasabi lang ako ng totoo... wag mo na kasing hintayin si Zyx. Wala kang mahihintay sa taong iyon. Itapon mo na iyong crush episodes mong yan noong high school at maghanap ka ng ibang magugustuhan."

"Bitter! wala ka lang boypren e."

"bakit ikaw meron?"

"wala"

"huwag muna iyan ang isipin mo. aral muna ha?"

nagtext si Zyx. "Hello Vangie." a text that was only meant for her. rereplyan ba niya o huwag na muna? Pero kabastusan na man pag hindi niya pinansin.

"Hello din"

"Anong ginagawa mo?"

"wla nman, nakaupo lang."

"pwede ka ngarud istorbohin?"

"sok lang."

"Ipagta2pat q n sau...yung kaklase natin noong high school na sinabi ko sa iyong gusto ko... Van. ikaw yun e..." pagkabasa ng message na ito ng binata ay agad agad siyang napasigaw! tumalon talon pa siya at inikot ikutan niya yung ate niya na umiinom ng kape.

"Hoy! ayos ka lang?"

"Basahin mo teh." sobrang kilig... Eksena talaga. Pati kapit bahay nila nakiusyoso na. Nakisigaw na rin ang ate niya.

"ang saya mo"

"anong sa2bhin ko teh?"

"ewan ko sa'yo..."

"teh... analyze mo, dito ka magaling e."

"O, ganito. Pag sinabi mong gusto mo rin siya, pwedeng maging kayo... at masasaktan mo iyong taong umaasa sa kanya. Gusto mo ba iyon? E kaibigan mo din si Assy? Kung sasabihin mong Ok... parang sinasabi mo na rin na ayaw mo sa kanya, na you don't feel the same. Lalayuan ka niya, at pareho kayong masasaktan. It's your choice. Nasa single reply mo nakasalalay ang situation." saka siya iniwan ng ate niya.

Nawala bigla ang excitement, ang tuwa at lahat lahat na... Zyx is already bugging her... repeated text na pangalan lang niya ang laman...




CHAPTER 6
"good bye Ms Bautista." sabi ni Father Tesuka.

"Good bye sir... we will miss you."

"mamimiss ka din ng anak ko."

"yan na nga ba ang sinasabi ko... Binasted mo kasi eh." sabi ni Kathleen.

"no hard feelings a kasi. Ano naman ang dapat na inireply ko e totoo ngang hindi pa ako handa." sabi niya.

"Ok lang yan... mas nakabuti iyon kay Zyx, tingin ko..." sabi ng teacher nila. "Nagkapatawaran sila ni Zero, ang problema lang siguro e, mas napalapit siya kay Assy...at pinanindigan niya yung pagiging boyfriend nung bata kahit ikaw ang mahal niya."

"Paano niyo nalaman yan sir?"

"Tatay ako. Ano ba? Saka, kapansin pansin naman talaga na mahal ka niya. Praning nga e."

"Kasalanan mo Vahn." sabi ng mga kaibigan niya.

"Magtatransfer na pala kami anak... Pupunta na kaming lahat sa abroad... Sinabi ba niya sa'yo?"

Tumango lang siya.

"Nakita mo na kung gaano ka niya kamahal? Kung mahihintay mo siya, please maghintay ka. First love never dies naman di ba?"
"Yun na yun e! galing mo sir!"

"O sige, mauna na ako... mag-eempake pa kami. Kung gusto niyo kaming isend off, 3.30 flight namin sa sunday." nang maka exit ang teacher nila...

"alam mo, sign yun" sabi ni Nessa. "Gusto ka ni father tesuka para sa anak niya. Habulin natin sila?"

"wag na tol... sabi nga nila... kung mahal mo, pakawalan mo. Kung babalik edi sa'yo." katwiran niya. Pero noong mga panahong iyon, gusto na rin niya talagang umoo sa suggetiong iyon ng kaibigan. Kaso natakot na rin siya.

"sabagay..."

"ano? tara?"


8 years after, they're already successful in their chosen fields...
Bumalik si Zyx and immediately kinontack na niya si Vangie. Nagkita sila sa isang cafe.

"Kumusta na?" si Zyx ang nauna.

"Ok lang naman. Ikaw?"

"Ok na ok. Kumusta naman ang lovelife?"

"I'm single" pag-amin niya.

"ZYX!" napalingon silang dalawa... Isang cute na bata ang nagpakita sa harap nila. Kulot ang buhok nito at green ang kulay ng mata pero hindi maipagkakaila na kamukha siya ni Zyx... at may pagka Assyla din ang bata.

"ah, this is my daughter... Zeas." pakilala nito. "I'm sorry that you're still single. I'm happily married Van."

"Glad for you."

"She's Vangie?"

"Yes darling she is." sagot ni Zyx sa tanong ng bata.

"Why do you always have to complicate things? Just tell her you love her so I can go back to my daddy and mommy!" BUKING!

Napatingin lang si Vangie sa dalawa. Lalo na kay Zyx na walang masabi at walang magawa kundi ngumiti. Hindi na nga ito makatingin sa kanya. "Ano bang totoo?" tanong na niya.

"I'm Zero and Asslya's daughter not his! He just borrowed me to pretend which is just a stupid plan by the way."

"Are you ready to hear those words again?"

Hindi siya sumagot. Tiningnan lang niya ang binata.

"I'm still in love with you Van. May pag-asa ba ako?"

Ngumiti uli siya. Naalala niya ang sinabi ni Father Tesuka dati. First love never dies nga naman talaga.

"Ewan ko." sagot niya "Siguro... OO"