Sunday, July 3, 2011

WAS KO BET with Vangie and Zyx

Chapter 1
Nasa ikalawang taon na ng pag-aaral sa kolehiyo si Vahn, at ngayon nakaupo na naman siya sa kanyang dreaded na upuan. Ang upuan malapit sa bintana na kinakakitaan ng isang magandang tanawin, perfect for daydreaming. Pero hindi niya magawang mangarap, bawal iyon sa klase niyang ito. Philosophy. Last hour na nga ng araw niya sa eskwelahan masisira na naman ang araw niya dahil dito. Hindi naman dahil sa nahihirapan siya sa subject, pero terorista kasi iyong teacher, at siya ang paboritong estudyante nito.
May kumatok sa pintuan, pumasok ang isang hombre. Kilala niya ito, Jzenn Werry Zyx Tsukimori, ang kaisa-isa niyang crush mula pa noong high school sila. Ang cute talaga ng dating nito, lalo pa at nasa uniform siya ng badminton team. Blue and white jersey in number 6. Hindi nakakasawang tingnan ang mala anghel niyang mukha. ‘Hay zyx,’
“Sir, uuwi na po ako. Pwede ko na po bang kunin ioyong bag ko?” tanong ng binata sa teacher niyang gurang. Siguro ay nabiktima rin ito ng pagiging terorista nito. ‘kawawang Zyx, bakit sa lahat pa ng estudyante dito sa mundo siya pa ang makakaranas ng kahigpitan ni Sir Philo’ sabi niya sa sarili. Sa totoo lang, hindi niya alam ang pangalan ng guro, ang tawag niya rito ay Sir Philo, o di naman kaya’y Mr. Gurang.
“o sige, nandoon sa dean’s office.”
“salamat po sir.”
Naku! Lesson time na naman, at usually ay nagsisimula ito sa nga recap. Bago pa siya matawag ng guro ay tumayo na siya.
“Yes Ms. Bautista?”
“We tackled about the philosophers Confucius and Aristotle and their philosophies about nature sir.”
“Did we?”
“yes sir, we did. Nabagok ba ang ulo niyo sir at bigla kayong nagkaroon ng amnesia?”
“Medyo. Kaya siguro gusto kong ulitin mo ang lahat ng naidiscuss noong nakaraang araw, pwede naman iyon hindi ba Vahn?” Ayan… parusa.
“No sir, I can’t. As you well know malapit na ang midterms at kung uubusin lang natin ang isang buong oras na ito sa recap ay malabong matapos natin ang syllabus. At isa pa sir, mahaba haba ang mga pahayag ni Confucius at kung icocompare ko pa ang philosophy niya sa iba pang katwiran ng mga philosophers, gaya ni Aristotle, limang araw tayong mag-i-stay dito.” Katwiran niya. Di bale, sanay na silang mag-asaran ng teacher niya.
“Now, you’re talking like a philosopher. In a weird way. Take your seat. Question number three will be yours to answer… later”
Aw shocks, mahirap hirap pa man ding intindihin ang mga katanungan niya.



“Suko na ako sa kanya tol.” Sabi ni Vahn sa mga kaibigan niya habang nakapila sila sa jeep. “Ayaw ko na talaga. Bakit kasi ako pa Lord?”
“Ang swerte mo nga e,” sabi ni Yneza “ang dami mo nang recitations. Ang sabi ng mga nasa higher years na nag-under sa kanya, kapag 10 at mahigit na daw ang points mo sa recitation, iaadjust daw niya iyong nga score mo. Bale ang kalalabasan no’n 1 point direct to the grade.”
“oo nga, at sa case mong iyan na araw araw kang nagrerecite, hindi lang sampung guhit ang nasa class card mo kundi 30 at higit pa!” sugsog ni Kathleen.
“E, kahit na. lagi lagi naman akong nagigisa.”
“e kasi naman iyong mga sagot mo, pang beauty contest.”
Tinanong kasi siya kanina in relation sa sinabi niyang not everyone, not even a country or state can stand alone without the help of other countries gay ng Pilipinas sa America. Tinanong siya kung bakit, at akalain mo bang ang isagot niya ay: “Sir, because no man is an island.” Nagtawanan ang buong klase.
“Dapat kasi may katuloy pa iyon, e pinaupo na niya ako agad. Nakakahiya.”
“Lagi ka namang nahihiya.” Kontra nila.
“Oi, Kath, nakita ko pala si Jastin kanina, friendship sila ni Zyx!”
“Ow? Buti pa ikaw nakikita mo siya, samantalang ako hindi.”
“E kasi naman iyan, kung nasaan si zyx, nandoon siya.”
“Zyx na naman, word for the day Zyx.”
“Kahit bukas siguradong Zyx na naman.”
“Pero hindi siguro word for the day, kundi Magic word.”




“Good evening dad” bati ni zyx sa kanyang ama, si Mr. Uno Teska Tsukimori.
“Gising ka pa? Ang kakambal mo?”
“Telebabad sa kwarto.” Sagot niya. Half pinoy, Half japanese ang tatay nila, pero dito na ito lumaki at nakapag-asawa. Kaya ang blood nila may one fourth na dugo ng hapon. Nakuha din nilang magkakapatid ang galing ng ama sa pagdodrowing at hilig sa anime, kahit matatanda na sila. Sa face value talagang sa ama sila nagmana, ang mata hapon na hapon ang dating, kulay brown at ang ilong talagang matangos. Pero ang kulay kay mama na nila, kayumanggi, pinoy na pinoy. Engineering ang kurso niya at Architecture naman ang kakambal niyang si Zero. At mula noong nagkaroon ng lakas ng loob ang kakambal, hindi na ito natigil sa mga ligawan episode ng college life. But nevertheless, hindi naman nila napapabayaan ang pag-aaral nila, nakasali pa rin sila sa badminton team, at naghahari pa rin sila sa doubles ng boys division.
“kumain na kayo?” tanong ng ama.
“Opo. May natira pa yata sa niluto ni ate diyan sa mesa.”
Ipinasa sa kanya ng ama ang bag na hawak.
“Magcheck ka ng papel, nandiyan ang answer key sa loob.”
Iyon ang gawain niya, taga check ng test papers ng mga estudyante ng tatay niya. Medyo matagal na rin mula noong huli niyang gawin ito, pero enjoy pa rin lalo na tuwing binanasa niya ang essay part ng mga quizzes, na kung minsan ay nilalagyan pa niya ng smiley kung trip niya, ulong may sungay o may halo o di naman kaya ay ang simbolo ng no fear na ibinibigay lang niya sa may pinakamagandang sagot.
“Anong Block dad?”
“Six” sagot nito. Pagbuklat na pagbuklat pa lang niya sa mga papel na hawak isang pangalan na ang tumambad sa kanya.
“Vangie Bautista?”
“My favorite student.” Sabi naman ng tatay niya.
“kilala ko ito dad. Kaklase ko siya noong high school. Estudyante niyo siya?”
“Oo, kita mo na ngang nandiyan ang ebidensiya.”
“Bakit di niyo naman sinabi na estudyante niyo pala siya!”
“Anong malay ko? E hindi niyo naman siya nababanggit o naikukwento?”
“Amnesia lang iyan Dad, laging nababanggit dati si Vahn sa hapag. Siya nga iyong sinasabi naming running mate ni Zero sa SSG elections noong high school e.”
“Oo na, sige na. Magtsek ka na lang diyan.”
Without thinking nagdrowing siya sa papel ng dating kaibigan ng isang ulong may halo na may pakpak pa sa may tenga! Saka siya napangiti. Matagal na rin silang hindi nagkikita ng dating kaklase, naisip tuloy niya, ‘ganoon pa rin kaya ang ugali nito?’. Naalala niya ang tahimik na dalaga sa isang sulok ng classroom, nakikinig lang sa discussion ng teacher. Isang babaeng mahilig magbasa ng Otakui mag, at manood ng anime gaya niya. “Maganda pa rin ba siya dad?” naisipan niyang itanong.
“Ewan ko, dahil hindi ko naman siya nakita noong kapanahunan niyo.”
“Eh ano sa tingin mo dad?”
“I don’t know what your preferences are anak. If you want to see my student then go see her. Just don’t ask her to skip her classes, especially my class, just to see you.”
“’kay dad.” Sabi nito nang nakangiti. Alam niya deep inside, na laging magiging maganda si Vahn sa paningin niya. Dati naman nang maganda iyon e, at natural ang ganda ng hugis ng katawan. Napunta kasi sa kanya lahat ng kagandahan sa mundo e. Naalala niya ang description niya sa kaibigan, Perpektong alien, papasa nang tao. Pero biro lang niya iyon para lagi siyang mapansin nito. At bago niya isinantabi ang papel nito, nanalangin siya na sana sa muli nilang pagkikita ay walang magbago sa dati na nilang pinagsamahan.


Chapter 2
Nasa open court sina Vahn at ang mga kaibigan niya, nanonood sila ng badminton. Sa second game ay SEA versus SABM ang school nila. Player ang kaibigan nilang si Jude kaya sila manonoodngayon, pero ang talagang inaasahan niyang makita ay ang kambal na Tsukimori, particularly Zyx. At noong lumabas nga ang mga inaabangan ay bigla siyang napatili.
“ayos ka lang Vahn” tanong sa kanya ni Ayel.
“kaloka bells.” Nasabi nito, saka itinago ang mukha sa likod ni Yneza.
“Ano bang ginagawa mo sa buhay mo?” tanong ni Nikkie.
“Nandiyan kasi ang love of her life.” Sabi ni kathleen na siyang nakakakilala sa mukha ni Zyx. “the ever cute Zyx.”
“oH!si Zyx?!” si Ivy.
“Nasaan?!” si Nicoli.
“’te, huwag naman, ang lakas, nakakahiya.” Sabi ni vahn, na hanggang ngayon ay nakatago pa rin sa likod ni Yneza.
“Sino ba diyan?” tanong uli ni Nikkie. “Dalawang magkaparehong mukha naman ang nakikita ko.”
“Natural iyong mas cute.” Si kathleen ang sumagot.
“Hindi ko makita ang difference.” Sabi ni Ayel.
“Hay! He’s the one in the red jersey number six.” Sabi ni kathleen. “Tingnan ninyo silang dalawa ng maigi, mas cute talagang si Zyx.”
“Oo nga ano?”
“Alla ‘te, malakas ang pandinig nila, tama na.” pagmamakaawa ng kaibigan nila.
“Umalis ka na nga diyan sa likod ko, at maghi! ka sa kanya.” Sabi ni Yneza.
“oo nga naman Vahn. You can’t stay there forever. Mas mabuti na iyong nagpapakita ka ng mas maaga.”
“at malay natin, he’ll come here. Then you can finally introduce him to us.”
“tama!”
“Uhm… was ko bet. Nahihiya ako. Natatakot, ewan! Basta!”
“Hay naku Vahn, bakit ka matatakot, wala ka namang ginawang kasalanan.” Sabi ni Nikkie. “At bakit ka mahihiya? May pinagsamahan naman na kayo dati a! kaya mo iyan. Ikaw pa.”
“Ayoko talaga ‘te.”
“Caution.” Sabi ni kathleen. “Nakatingin siya dito.”
“Sabi na kasing malakas ang pandinig nila e.”


The moment na narinig ni Zyx ang sigaw na iyon, alam na niyang nasa paligid si Vahn. Alam lang niya ang tunog ng hiyaw nito. Dahil lagi niya iyong naririnig sa tuwing bibiglain niya itong kikilitiin mula sa likod noong mga high school pa sila. Kaya naman, agad niyang iginala ang paningin sa audience. Ilang ulit niyang ginawa iyon pero wala siyang naaninag ni anino ng isang Vahn Bautista.
“Zero, napansin mo ba si Vangie sa paligid?” napilitan an siyang magtanong sa kapatid.
“Hindi. Nandito siya?”
“Ewan. Parang narinig ko kasi iyong tili niya kanina noong pumasok tayo dito e.”
“guni guni mo lang iyon.”
Pero hindi, sigurado siyang kay Vangie ang tiling iyon. Kaya hindi nawalan ng pag-asa ang mga mata niya. Just then, narinig niya ang sariling pangalan sa kanyang bandang likod. “the one in that red jersey number six. Tingnan niyo silang dalawa ng maiigi, mas cute talaga si Zyx”
His very unique name. Napatingin na tuloy siya. There was a group of seven girls. One was hiding her face at the back of one girl. “Alla ‘te” Alla ‘te, he repeated at the back of his mind. Si Vahn lang ang nakakapagsabi ng ganoon sa mga kaibigan.
“Oo nga naman vahn,” narinig niyang sabi ng isa. So si Vangie nga talaga iyon! He had to look back. There he met the strange eyes of a girl. Nginitian siya nito at napatingin sa babaeng nagtatago sa likod ng isa pang babae. Then she introduced his presence.
“Caution. Nakatingin siya dito.” Nag-umpisa siyang maglakad palapit sa mga babaeng nakaupo sa dalawang magkatabing benches.
“Vangie.” Tawag niya dito. Umangat ang ulo ng babae at saka siya nginitian. “Sinasabi ko na nga ba’t sa iyo iyong tiling narinig ko. Hindi ka pa rin nagbabago, eskandalosa ka pa rin.”
“Excuse me lang ha? Pero hindi ko naman kasi iyon sinadya! Nahulog lang kasi iyong phonelia ko kaya ko nagawa iyon.”
“Ang pangit ng palusot. Gandahan mo naman.” Humirit si Yneza at napangiti siya. Ang supportive ng mga bagong kaibigan nito, naiisip tuloy niya.
“Kumusta ka na pala?”
“Edi ganito pa rin. Ikaw?”
“Gaya pa rin ng dati. Ako pa rin iyong lalakeng kaklase mo noong high school.”
“Ahemm…” nagparamdam na ang mga kasama niya. At sabay sabay pa talaga ang pagkakasabi nila noong word na iyon.
“Mga kaibigan ko.” Pakilala ni Vahn. “From left to right… Nikkie, Nicoli, Ivy, Yneza, Kathleen at si Ayel. Zyx guys… Jzenn Werry Zyx Tsukimori.”
“Ah… January 6.” Sabi bigla ni Ayel. “Pero teka… Tsukimori?”
“May lahing hapon ang dad ko.” Paliwanag niya.
“hindi. Narinig ko na iyon somewhere e. Saan na nga ba iyon?”
“Sa anime lang iyon, sa La Corda.” Sabi ni vahn. “’Di ba?”
“Siguro. Number mo nga.”
“Ang bilis a.” pasaring ng isa sa mga kaibigan niya.
“Mabilis? Ang bagal nga e!”
“huwag mo na silang pansinin. Ganyan talaga iyang mga iyan. I-n-add na kita sa FB, accept mo ha?” sabi ni Kathleen.
“sige sige.” He turned to vahn. “Number mo.” Sabi nito at saka inilabas ang phone. Nang maibahagi iyon sa kanya ng dalaga ay siniguro niyang nagsasabi ito ng totoo. Kaya naman idinial niya ang number na ibinigay sa kanya, at nagring nga ang phone nito. “Iyan ang number ko. Isave mo na lang. sige ha? Kita na lang tayo sa susunod”
“Wala nang susunod! Itatago na namin siya! Hindi mo na siya makikita!” banta ni kathleen, bago ito umalis. Nagkangitian silang dalawa, at alam na nila ang ibig sabihin ng ngiting iyon.
“ano bang sinasabi mo diyan?” sabi ni Ivy.
“Tinetesting ko lang kung hahabulin niya si Vahn o hindi.”
“Ano namang klaseng test iyon kath?” sabi ni Ayel.
“Hindi niyo ba napansin na may pagnanasa siya kay Vangie?!”
“’te talaga!” sabi nito.
“Nagsasabi ako ng totoo. Pinagnanasahan ka din niya.” Pilit nito kaya tinakpan na rin ni Vahn ang kanyang tenga. Pagnanasa is such a strong word, sabi nga ni Ivy. Maaaring makapagdulot ito ng mga hindi kaaya ayang pangyayari kapag naniwala siya rito.
“Hindi ko lang pinangarap na pagnasahan niya ako ano.” Katwiran niya.

No comments:

Post a Comment